Thursday, February 17, 2005

my favorite song in the whole wide world

oi! oi punk zappas and my hobbies are listening to the radio, reading the songhits and eating bu-bloody fish balls.

a-ha! bibili ako ng tapes ng nirvana, pearl jam, sepultura, alice in chains, soundgarden, rage against the machine, pantera, saka yung parade nationals paper's band, saka lahat ng klase ng grunge, saka lahat ng death metal, ok? tapos mememorize ko yung lyrics kahit chorus lang, ok? tapos magpapa-kalbo ako, magpapa-mohawk ako, magpa-longhair kaya ako? tapos magpapa-tatoo ako, dapat yung nakakatakot... ah dragon pare! tapos yung dragon naka-tusok sa stick tapos yung stick nakatusok sa ulo ni charles manson jr., cool yun di ba? tapos dapat mayron akong boots o kaya naman converse para sa slam dancing. tapos... HOY! bibili ako ng nirvanang t-shirt, hindi yung yellow ha?! yung RED! tapos magpapa-hikaw ako, tapos, de' pwede na akong maki-tribo sa mga kamukha ko. oi! tapos pwede na kaming lumakad sa club dredd, sa labas lang ha!!! tapos, pag linggo, pupunta kaming lahat saba... sa megamall, tapos aabangan namin yang mga hiphops na yan tapos, pagu-umpugin ko yang mga tinginingining break dance at mga hilaw na yan eh, tapos bubugbugin namin sila, tapos kukunin namin mga DMs(Doc Martens pala sabi ng kabarkada ko) nila, ok ba yun? ok?

tapos manonood kami ng underground concerts, kahit hindi underground basta ma-ingay saka grunge, tapos hindi ako magdra-drugs, dapat wala akong ma-sipa, tapos titingalin ko yung t-shirt ko para makita nila yung tatoo ko tsaka yung hikaw ko, tapos maghe-headbang ako tsaka syempre, magba-backstage dive ako... sayang ala pa si dennis, ah hindi! akin na lang tong flag pole tapos dun ako tatalon, syempre sasaluhin ako ni kurt, ginawa yun ni eddie vedder di ba? tapos pag dehins ko trip yung vocalist, babatuhin ko sya para may mai-kwento ako kay lola, syet nakana pa yung tape ko ng pantera, hi lola! tapos, pag pagod na akong mag-headbang, mag-slamdance pa rin ako sa gitna ng slampit, tapos magyoyosi ako, tapos syempre, dapat peace lang tol di ba? dapat hindi ako ma-praning, ma-praning, ma-praning, tapos pag tapos na yung concert, syempre uwi na ko, tapos pag nasa bahay na ko, manonood na ko ng house of noise sa channel [V], wow! idol yon pare, high-tech, sampung oras... puro noise! tapos maga-aral akong mag gitara, tapos bibili ako ng tycobrahe intergalactic motion shredder effect na gadget, tapos bubuoin ko na yung "the armpits" band, tapos gagawa kami ng original composition, ganito! jeng jeng jeng jeng jerereng jeng jeng! tapos, double time, jeng! tapos lead, tapos papadala namin sa radyo yung... yung demoh, tapos, tapos syempre magna-number three na kami sa countdown, tapos ibebenta ko yung original composition ng five thousand pesos para sa competition ni DJ McScuzzmaharishibabaramdashboboroshi, kilala nyo sya, tapos syempre, magna-number one na kami, tapos di ba ire-release na kami sa major label, tapos magtu-tour na kami, rave sa buong pilipinas, sa buong pilipinas, tapos syempre, kukunin na kami sa mga commercials, ganon, tapos pag dumating na yung mga royalties saka mad.. madaing madai' na akong pera, tapos bibili na ako ng tigtu-two na kotse, saka syempre, de' pwedeng bumili na rin ako ng mga susunod pang albums ng nirvana, syet! traffic na naman sa edsa. ahhh... bili na lang kaya ako nung bugsy blue marlin cake... mukhang mas chukengkeng yung yellow green red na brownies rastafa round mallows! pah... pa dreadlocks na lang kaya ako? mag-manage kaya ako ng banda? mag-tayo ng studio? hay...

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Anonymous-lee says:

gusto nyo? amen? tiyak yon! AMEN!

hay... never thought i'd find the words for that...

hindi yung yellow ha? yung RED!!! :D

Thursday, February 17, 2005 at 5:34:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Anonymous-lee says:

gusto nyo? amen? tiyak yon! AMEN!

hay... never thought i'd find the words for that...

hindi yung yellow ha? yung RED!!! :D

Thursday, February 17, 2005 at 5:35:00 PM GMT+8  

Post a Comment

<< Home